Add parallel Print Page Options

12 At ang prinsipe na nasa gitna nila ay magpapasan sa kaniyang balikat sa pagdilim, at lalabas: sila'y magsisibutas sa pader upang ilabas doon: siya'y magtatakip ng kaniyang mukha, sapagka't hindi niya makikita ang lupa ng kaniyang mga mata.

13 Ang akin namang panilo ay aking (A)ilaladlad sa kaniya, at siya'y mahuhuli sa aking silo; at (B)aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; (C)gayon ma'y hindi niya makikita, (D)bagaman siya'y mamamatay roon.

14 At aking pangangalatin sa bawa't dako (E)ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at (F)aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.

Read full chapter